Ako Si Brian Medina Labing Syam na taong gulang tubong Llanera Nuueva Ecija.Panganay sa apat na mgakakapatid, ipinanganak noong ika dalawampo ng Pebrero tong 1992 sa lungsod ng Maynila. Kasalukuyang Nagaaral Sa Central Luzon State University sa Kursong Bachelor of Secondary Education major in Social studies,
Mahilig akong tumulong sa aking kapwa sa katunayan nasa ikatlong taon na ako ng paglilingkod sa aking mga kapwa magaaral bilang miyembro ng Student Council ng aming Kolehiyo.
Ako ay kasapi na Fraternity na Alpha Phi Epsilon isa sa pinaka popular na samahan sa aming Unibersidad, sumali ako sa samahang ito upang mahubog pa ang ang pakikipagkapwa tao,
Wednesday, 25 May 2011
Talambuhay
May pakikinig at kabukasan sa opinion at pananaw ng iba.
Marunong tumanggap ng puna at pagkakamali.
May mapayapang disposisyon.
Pagkakaroon ng takot sa Diyos.
(ang mga natutunan ko sa aking samahan)
Posted by medina.brian56 at 02:18 0 comments
Wonders of the World
Historical development
By the time of the early dynastic period of Egyptian history, those with sufficient means were buried in bench-like structures known as mastabas.[7][8]The second historically documented Egyptian pyramid is attributed to the architect Imhotep, who planned what Egyptologists believe to be a tomb for the pharaoh Djoser. Imhotep is credited with being the first to conceive the notion of stacking mastabas on top of each other – creating an edifice composed of a number of "steps" that decreased in size towards its apex. The result was the Step Pyramid of Djoser – which was designed to serve as a gigantic stairway by which the soul of the deceased pharaoh could ascend to the heavens. Such was the importance of Imhotep's achievement that he was deified by later Egyptians.[9]
The most prolific pyramid-building phase coincided with the greatest degree of absolutist pharaonic rule. It was during this time that the most famous pyramids, those near Giza, were built. Over time, as authority became less centralized, the ability and willingness to harness the resources required for construction on a massive scale decreased, and later pyramids were smaller, less well-built and often hastily constructed.
Long after the end of Egypt's own pyramid-building period, a burst of pyramid-building occurred in what is present-day Sudan, after much of Egypt came under the rule of the Kings of Napata. While Napatan rule was brief and ceased in 661 BC, the Egyptian influence made an indelible impression, and during the later Sudanese Kingdom of Meroe (approximately in the period between 300 BC–300 AD) this flowered into a full-blown pyramid-building revival, which saw more than two hundred indigenous, but Egyptian-inspired royal pyramid-tombs constructed in the vicinity of the kingdom's capital cities.
Al-Aziz Uthman, son of the great Saladin who crushed the Crusaders, tried to demolish the Great pyramids of Giza, but had to give up because the task was too big. However, he did succeed in damaging Menkaure's pyramid.[10]
Posted by medina.brian56 at 01:46 0 comments
Katipunan
Ang Kataastaasang, Kagalanggalang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, ay isang lihim na samahan na itinatag noong 1982 upang itaguyod ang kaisipang maka-bayan at rebolusyonaryo sa mga Pilipino. Layunin ng samahan na sugpuin ang patuloy na pagmamalabis at di makataong pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas tungo sa pagkakamit ng kasarinlan ng bansa.
Pagkakatatag ng Samahan
Noong 3 Hunyo 1892, sa pagdating ni Jose Rizal sa Pilipinas matapos ang kanyang paglalakbay sa Europa, kanyang itinatag ang La Liga Filipina – isang samahang nangangalap ng tulong at suporta mula sa mayayaman at may pinag-aralan, o Ilustrado. Sa likod ng patuloy na pagsuporta nina Domingo Franco at Andres Bonifacio, hindi nagtagal at nabuwag din ang samahan. Nahati ito sa dalawang pangkat – ang Cuerpo de Compromisarios at Katipunan.Kasabay ng balitang pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan noong 7 Hulyo 1892 ang pagtatatag ng Katipunan. Sina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, at Deodato Arellano, kasama ang ilang kasapi ng La Liga Filipina, ay nagtipon sa 314 Calle Azcarraga (na ngayon ay Daanang Claro M. Recto), malapit sa Calle Elcaño sa Tondo, Maynila. Sa munting tahanan dito ay kanilang binuo ang Katipunan. Itinataguyod ng samahan ang paggamit ng dahas at madugong rebolusyon, sa halip na mapayapang repormasyon na adhikain ng La Liga Filipina, upang makamit ang tunay na kalayaan. Batid ng mga Katipunero ang naiibang pananaw ni Jose Rizal sa usaping kalayaan. Ngunit sa kabila nito, kinilala nila si Rizal na pangulong pandangal (o honorary president) ng samahan.
Adhikain at Paniniwala
Umiikot ang adhikain ng Katipunan sa konseptong “pamilya” at pagnanais na magkaroon ng isang patas na lipunan. Bilang Supremo ng Katipunan, pangarap ni Bonifacio ang makapagtatag ng isang bansang kikilalaning “Inang Bayan” na pamumunuan ng isang pamahalaan na tatawaging “Haring Bayang Katagalugan.” Ito ay kanyang ibinalangkas sa lipunang matriyarkal ng sinaunang Pilipinas, kabaligtaran ng sistemang ipinakikilala ng mga Espanyol. Hangad ng mga Katipunero ang tuluyang pagkawala ng Pilipinas sa burukrasyang Espanyol at pagtatatag ng estado na pamumunuan ng mga katutubo. Naniniwala din sila na ito'y makakamit lamang sa pamamagitan ng isang madugong himagsikan.Ang Kartilya
Si Bonifacio ang unang nagbalangkas ng kautusan ng Katipunan na tinawag niyang “Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan” o “Dekalogo.” Kasabay nito, si Emilio Jacinto, na kanyang tagapayo, ay lumikha rin ng sarili nitong listahan ng alituntunin na tinawag na Kartilya (hango sa salitang Espanyol na “cartilla” na nangangahulugang paunang pangaral sa mga mag-aaral sa elementarya). Ang Kartilya ang naging opisyal na talaan ng alituntunin ng Katipunan, at nilalaman nito ang mga sumusunod [1]:- Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag.
- Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili, at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
- Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuwiran.
- Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigtan sa dunong, sa yaman, sa ganda...; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
- Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa sa puri.
- Sa taong may hiya, salita'y panunumba.
- Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan ay di na muli pang magdadaan.
- Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi.
- Ang mga taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
- Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.
- Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuharan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.
- Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.
Pagsapi
Hindi madali ang maging kasapi ng samahang Katipunan. Di gaya ng ibang organisasyon, ang sinumang magnais na mapabilang sa samahan ay kinakailangang dumaan sa masusing pagkilatis, masinsinang pagtatanong at matinding pagsubok. Ang mga nagtatangkang sumapi sa Katipunan ay yaong mga kakilala na ng mga dati nang kasapi nito. Gamit ang sistemang tatsulok, mapapanatiling lihim ang samahan.Naging masigasig ang mga Katipunero sa paghihikayat ng mga bagong miyembro, lalo na bago sumiklab ang rebolusyon. Kasabay nito, dumami rin ang mga tanggapan ng Katipunan sa Pilipinas, at umabot sa 30,000 hanggang 40,000 ang kasapi ng samahan.
Ang nagnanais na sumali sa Katipunan ay nakapiring na dinadala sa isang lihim at madilim na silid. Makapasok sa silid ay tatanggalin ang kanilang pagkakapiring at doon ay ipababasa sa kanila ang mga katagang makikita nila sa pader ng silid.
Bago mapabilang sa samahan ang sinuman, ilang katanungan muna ang kailangan nilang masagot na dapat ay naaayon sa nais marinig ng mga Katipunero:
- Tanong 1: Ano ang kalagayan ng bansa noong sinaunang panahon?
- Sagot 1: Bago dumating ang mga Espanyol, matiwasay ang pamumuhay ng mga mamamayan, maayos ang kalakalan at may sapat na yaman at ari-arian na tangan ang bawat isa.
- Tanong 2: Ano naman ang kalagayan nito ngayon?
- Sagot 2: (Kailangang isagot dito ang di mabilang na pang-aabuso at di makatarungang pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.)
- Tanong 3: Ano ang magiging kalagayan nito sa hinaharap?
- Sagot 3: (Kailangang isagot dito na isang maliwanag na kinabukasan ang naghihintay sa mamamayan kung sila'y magsasasama-sama at magtutulungan upang tuldukan na ang kasamaan ng Espanya.)
- Katipun ay ang unang baitang ng pagkakasapi. Sa antas na ito,suot ng Katipunero ang isang itim na telang pandong na may mga titik Z, Ll at B na nangangahulugang Anak ng Bayan, ang banal na salita sa nabanggit na antas.
- Kawal ay ang ikalawang antas ng pagkakasapi. Isang luntiang pandong naman na mayroong puting tatsulok ang suot ng mga Katipunero. Nakatali sa kanilang leeg ang isang luntiang laso na may palawit na medalyong mayroong titik K. Gomburza naman ang kanilang gamit na banal na salita.
- Bayani ay ang pinakamataas na antas ng pagkakasapi. Suot naman nila ang pulang pandong na napalilibutan ng luntian. Ang kanilang banal na salita ay Rizal.
Organisasyong Pampolitika
Matapos ang pagkakatatag ng Katipunan, isang konseho naman ang kanilang binuo at tinawag nila itong Kataastaasang Sanggunian. Ang mga opisyales nito ay demokratikong inihahalal ng mga kasapi, at ang sino mang may malinis na hangarin ay maaaring mapabilang sa konseho.Si Rizal at ang Katipunan
May mataas na pagtingin ang mga Katipunero sa talino at kakahayan ng dakilang si Jose Rizal at sa katunayan pa nga ay kinilala siyang pangulong pandangal ng samahan.Bago ang paghihimagsik ni Bonifacio at ng Katipunan, pinadala niya bilang delegado o emisaryo sa Dapitan si Dr. Pio Valenzuela upang kuhanin ang suporta ni Rizal. Sa kanilang pag-uusap, di sumang-ayon si Rizal sa nais ng Katipunan na simulan ang laban sa mga Espanyol sa paniniwalang di pa lubusang “hinog” ang samahan – masyado pang bata ito at marami pang kinakailangang iwasto dito. Ayon din kay Rizal, kinakailangang kunin ng mga Katipunero ang suporta ng mga mayayaman at mga ilustrado upang matiyak ang tagumpay ng hangad nilang kalayaan. Maliban sa hindi pa handa ang Katipunan, kapus/salat din sa makinarya ang samahan.
Pinagsabihan din ni Rizal si Valenzuela na hingin ang tulong at serbisyo ni Antonio Luna at gawin itong tagapamagitan sa mga mayayaman. Makailang ulit ding hiningi ng mga Katipunero ang suporta ng mayayaman at intelektwal, kabilang na dito ang isang nagngangalang Francisco Roxas, ngunit lahat nang ito'y nauwi lamang sa wala. Dito nila napagtanto na ang himagsikan, maging ang kilusan, ay pawang binubuo lamang ng masa, at wala ng iba.
Pagkakatuklas sa Katipunan
Noong 5 Hulyo 1986 nang matuklasan ng pamahalaan ang samahang Katipunan. Isang opisyal ng Pasig, si Tenyente Manuel Sityar, ang nagpadala ng liham sa Gobernador Sibil ng Maynila upang ipaalam na isang lihim na samahan ang tahimik na binubuo sa kabisera, at umabot na maging sa mga kalapit nitong sakop – sa Mandaluyong at San Juan. Ayon sa tenyente, ang samahan ay nangangalap ng mga kasapi at pinapapirma sa isang kasunduan gamit ang sarili nilang mga dugo. Buhay naman ang kapalit sa sinumang mababalitaang nagsiwalat sa lihim ng samahan. Kasabay ng paglaki ng samahan ay ang paglaki rin ng laang-salapi o pondo nito na buhat sa 25 sentimos na ambag ng bawat kasapi. Ang salaping nakakalap ay ginagamit upang matustusan ng armas ang San Juan del Monte, Mandaluyong, San Felipe Neri (na ngayon ay bahagi na ng Mandaluyong) at Pasig. Batay sa salaysay ni Sityar, ang samahan ay pulitikal at buong-tapang na nagsisiwalat ng mga kamalian ng pamahalaang Espanya, lalo na sa usaping buwis. Higit namang ikinabahala ng mga Espanyol ang kakayahan ng samahan na hikayatin ang mga mamamayan na makilahok sa isang aklasan laban sa Espanya.Isang buwan ang nakalipas nang isang liham naman mula kay Padre Agustino Fernandez ng San Pedro, Makati ang nakarating sa Gobernador Sibil ng Maynila. Ipinabatid ng prayle sa huli na sumapit na ang tamang panahon upang bigyan ng aral ang mga Pilipinong tumataliwas sa kanila, at ang tanging paraan lamang ay ang isang madugong labanan.
Ang mga paratang na ito ay higit na napatotohanan ni Teodoro Patiño nang ang kapatid niyang babae ay ikumpisal ang balak ng Katipunan kay Padre Mariano Gil. Walang sinayang na panahon si Padre Gil at agaran niyang tinungo ang punong tanggapan ng El Diario de Manila na katatagpuan ng palimbagan ng Katipunan. Dito ay nakalap din ang ilang resibo na siyang gagamiting ebidensya laban sa samahan.
Sigaw sa Balintawak
Ilang araw matapos ang pagkatuklas sa samahan ay nagtipon ang mga Katipunero sa Balintawak (na ngayon ay sakop ng Lungsod Quezon). Isang pangkalahatang kapulungan ang ipinatawag ni Andres Bonifacio sa Kangkong, Lungsod Kalookan at doon ay pinag-usapan nila kung ano ang nararapat nilang gawin. Matapos ang isang mahaba ngunit makabuluhang diskusyon, sumang-ayon na ang lahat sa balakin nina Bonifacio at Jacinto. Upang ipakita ang tuluyan nilang pagtiwalag sa kapangyarihan ng Espanya ay sabay-sabay na pinunit ng mga Katipunero ang mga tangan nilang sedula, at dito'y napagkasunduan na ang unang yugto ng kanilang pakikipaglaban sa Espanya ay magaganap sa 29 Agosto 1896.Sa pamumuno nina Bonifacio at Jacinto ay pinangunahan ng Katipunan ang pakikipaglaban sa mga Espanyol sa San Juan del Monte (malapit sa Marikina) noong 30 Agosto. Kaugnay nito ay idineklara ni Gobernador Heneral Ramon Blanco na mapanganib at magulo ang Maynila, kasama ang mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite, Batangas, Bataan at Zambales. Kinabukasan ay isang pag-aalsa naman ang isinagawa ni Sancho Valenzuela sa Sta. Mesa at kumalat ito sa mga karatig bayan – sa Pandacan, Pasig, Pateros, Taguig, San Pedro, Makati, Kalookan, Balik-Balik, San Juan del Monte sa Maynila, San Francisco de Malabon, Kawit, at Noveleta sa Cavite. Upang maiwasan ang patuloy na paglawak ng pag-aaklas, mahigpit na binantayan ng mga guwardiya sibil ang mga lagusan ng mga nabanggit na lalawigan.
Dahil salat sa makinarya at pondo ang Katipunan, mga bolo, tabak at sibat lamang ang sandatang hawak nila sa pakikipaglaban – mga kagamitang kalimitang pantabas ng damo sa mga kabukiran. Di lumaon ay nagkaroon na rin sila ng mga modernong sandata na kanilang nakalap mula sa mga Espanyol bunsod ng pagkakapanalo nila sa mga kalat na pakikipaglaban.
Noong 28 Oktubre 1896 ay tuluyan nang nagapi ng mga Espanyol ang mga rebolusyonaryo at 500 sa kanila ay ikinulong sa Maynila. Sa likod nito'y patuloy pa rin ang pakikipaglaban at kagila-gilalas ang ipinakitang kagitingan ng mga rebolusyonaryo sa Cavite sapagkat dito'y matagumpay nilang napasok ang mga himpilan ng Espanya sa Noveleta, San Francisco de Malabon, Naik, Magallanes, Alfonso at Imus.
Lapian sa Katipunan
Saksi ang Cavite sa tunggalian nina Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio sa kapangyarihan. Sa lalawigang ito nabuo ang dalawang konseho o lapian ng Katipunan – ang Magdiwang at Magdalo.Kabilang sa lapiang Magdiwang ang magkapatid na Mariano at Pascual Alvarez, Emiliano Riego de Dios, Mariano Trias, Ariston Villanueva at marami pang iba. Ang unang tanggapan nito ay matatagpuan sa Noveleta, at di nagtagal ay inilipat sa San Francisco Malabon. Sakop nito ang mga bayan ng Rosario, Sta. Cruz de Malabon, Naic, Ternate, Maragondon, Magallanes, Bailen, Indang at Alfonso, maging ang bayan ng Nasugbu sa Batangas.
Pinamumununan naman nina Baldomero at Emilio Aguinaldo, kasama sina Candido Tirona, Edilberto Evangelista, at Cayetano Topacio, ang lapiang Magdalo. Ang unang punong tagpuan nila ay sa Kawit at nang lumaon ay sa Imus. Umabot ang kanilang sinasakupan sa mga bayan ng Bacoor, Dasmariñas, Silang, Mendez at Amadeo, hanggang sa Talisay sa Batangas.
Idinepensa naman ni Aguinaldo, noong 31 Oktubre 1896, sa pamamagitan ng isang manipesto na ang adhikain ng rebolusyong hangad niya ay kalayaan. Isinuhestiyon niyang magtayo ng isang pamahaalang rebolusyonaryo na bubuuin ng isang central revolutionary committee na may anim na kasapi, isang municipal committee at mga delegado na kakatawan sa municipal committees.
Habang inilalatag ni Aguinaldo ang kanyang mga balakin ay nasa kabundukan naman ng Malabon (ngayon ay lalawigan ng Rizal) si Bonifacio kung kaya't ang huli'y walang kamalay-malay dito at nalaman na lamang niya ito sa pamamagitan ni Edilberto Evangelista. Ayon sa Supremo ng Katipunan, hindi na kinakailangang bumuo ng gayong uri ng pamahalaan sapagkat sapat na ang kung anong mayroon na ang Katipunan (may pamahalaang sentral, sariling Konstitusyon at tiyak na layunin). Upang wakasan na ang di pagkakaunawaang ito, ipinatawag si Bonifacio sa Cavite. Ngunit sa kasawiang palad, wala siyang nagawa upang ayusin ang suliranin, bagkos, isang kumbensyon (convention) ang naganap upang ihalal ang mga bagong pinuno ng Pamahalaang Rebolusyonaryo.
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Katipunan
Posted by medina.brian56 at 01:40 0 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)